Pagkakaisa at Pagbubuklod-buklod
Buwan ng wika, isang selebrasyon na may temang, "Wikang Katutubo; Tungo sa Isang Bansang Filipino."
Napakadaling isipin at sabihin na "Uyy, Filipino ako!" Pero ang pagiging pilipino mo ba ay iyo talagang ginagampanan? Mga banyagang lengwahe gaya ng Intsik, Ingles, at lalo na ang Korean. Isa ito sa mga wikang ating inaaral at ibinibigkas nang may saya. Ni nga ang ating wika na Filipino hindi pa natin mabuobuo nang maayos. Laging mayroon at may kahalong Ingles. Kaya inuulit ko, masasabi mo bang Pilipino ka talaga? Sabihin nating ipinanganak tayong Pilipino, pero hindi natin ginagampanan ang pagiging isang Pilipino.
Iloko, isa sa maraming dayalekto ng Pilipinas. Narito din ang Cebuano, Pampango, Hiligaynon, Waray at marami pang iba. Ang Tagalog naman ang pinagbasehan ng ating Wikang Filipino.
Kaya't ating tangkilikin ang sariling atin. Gaya nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda." Alalahanin natin ang ating pinanggalingan at huwag kalimutan ang ating mga kultura at tradisyon bilang isang Filipino.
Ang pagkakaisa at pagbubuklod-buklod natin ang isa sa mga lyunin tungo sa Isang Bansang Filipino.
Source: 4.bp.blogspot.com/-HkEVhPDp8lI/TmuFtuwoaRI/AAAAAAAAACA/vfb7giggV9k/s960/Graph.png